Ham-at Madueom Ro Gabii?
(Bakit Madilim Ang
Gabi?)
A Collection of Aklanon
Poems
with Filipino
Translation
2nd revised
edition
Ni
MELCHOR F. CICHON
2015
As of June 6, 2015
Para kay PILMA DOLLOLASA CICHON at sa mga anak namin at sa kani-kanilang
mga pamilya na sina:
Melchor, Jr, Jennifer, Sean Marie at Kate
Sariah
Vanessa, Ruel at Ruvan
Ranel Vincent, Apple, Ace, at Shobi
Eugene, Mykha at Xander
c2015 by Melchor F. Cichon
All rights reserved.
Printed at:
Iloilo City
Suggested Catalog-in-Print:
Cichon, Melchor F., 1945-
Ham-at madueom ro gabii? Bakit madilim ang
gabi?..—2nd revised edition/ M. F. Cichon.—Iloilo City:…., 2015.
vii, p.
Printed
privately at:
1.
Aklanon literature. I. Title.
PAUNANG SALITA
Ang unang edisyon nito ay nalathala noon
1999. At ang aklat na iyon ay marahil ang kauna-unahang antologiynag tulang
Aklanon na sinulat ng isang Aklanon.
Kalkip sa koleksiyong ito ay mga tula kong
nagwagi sa iba’t-ibang paligsahan katulad ng Home Life poetry contest, NCCA
All-Western Visayans Poetry Contest, at
iba pa. Kasama sa koleksiyong ito ay iba kong tula na nalathala sa
iba-t-ibang magasin katulad ng Home Life, Philippine Panorama, Bueabod, Aklan
Reporter, Media watch, Yuhum busay, Dagyaw, Philippines Graphic, Philippines Free Press, Ani, Patubas,
Liwayway, at iba pa,
Upang maunawaan ng hindi Aklanon ang
katipunang ito, sinalin ko ang katipunang ito sa Filipino. May mga salitang
Aklanon na sadyang sinama sa pagsalin bilang kontribusyon ng Aklanon sa pagpausbong
ng Wikang Filipino.
Note; items to be arranged by subject:
Environment
Politics
religion
NILALAMAN
Paghahandog
Paunang Salita
Mga Baye it Antique
Mga babae ng Antique
Emmanuel Lacaba
Emmanuel Lacaba
Limog it Sangka Onga
Tinig ng Isang Bata
Hin-uno Pa?
Kailan Pa Kaya
Sumunod Ka Kakon
Sumama Ka sa Akin
Itay, Ham-at
Pirme Nga May Baearilan?
Itay, Bakit
Laging May Barilan?
Ay, Saeamat
Ay, Saeamat
Magdalena
Magdalena
Emergency Room
Emergency Room
Inay
Inay
Basura ag Lapad
Basura at Lapad
Ambeth
Ambeth
Ham-at Madueom Ro Gabii, Inay?
Bakit Madilim ang Gabi, Inay?
Eskwater
Eskwater
Drayber
Drayber
Eva, Si Adan!
Eva, Si Adan!
Ro Tatay Ni Juan
Ang Tatay ni Juan
Naghiyum-hiyum Ka
Ngumiti Ka
Relip
Relip
Angel
Angel
Lola Rosa, Sangka Comfort Woman
Lola Rosa, Isang Comfort Woman
Pagtueod it Gabii
Pagtulak ng Gabi
Sangka Sueat
Isang Sulat
Pantat
Hito
Paghakop it Kaeangitan
Pagkabig ng Kalangitan
Lorna
Lorna
Para kay Lorena
Para kay Lorena
Sabat kay John
Sagot kay John
Hakita Mo Baea ro Mga Tawo sa Bangketa?
Namasdan Mo Ba Ang Mga Taong Nasa Bangketa?
Nanay Soriang
Nanay Soriang
Kon Dominggo’t Agahon Sa Lezo
Kung Linggo ng Umaga sa Lezo
Nonoy
Nonoy
Owa’t Kaso Saeamat Eang
Ganon Pa Man, Salamat
Ro Gamugamu ag Ro Lampara
Ang Gamugamo at Ang Lampara
Si Ambong, Ati
Si Ambong,Ati
Limog It Sangka Ati
Tinig ng Isang Ati
Ham-an, Inay?
Bakit, Inay?
Nagahugot Nga Nagahugot
Humihigpit Na Humihigpit
Pag-uli Mo, Madam
Pag-uwi Mo, Madam
Indi Ko Masueat Rang Pinakamasubo Nga
Binaeaybay
Hindi Ko Kayang Isulat ang Pinakamalungkot
Kong Tula
Sa Mga Nagkaeabali Nga Silak
Sa Mga Nabakling Silahis
Ay, Pangabuhi
Ay, Buhay
Manggaranon Kita, Bukon Abi?
Mayaman Tayo, Di Ba?
Limog Sa Idaeom
Tinig Sa Ilalim
Owa Eo’t Tun-og ro Kaagahon
Wala Nang Hamog Ang Madaling Araw
Hueas It Bato Ag Baeas
Pawis Ng Bato At Buhangin
Mamunit Ako, Inay
Mamimingwit Ako, Inay
Ayaw Eo’t Sugid King Abo nga Aeanyon
Huwag Ng Magyabang Sa Marami Mong Aanihin
Hin-uno Pa Baea?
Kailan Pa Kaya?
Tabang!
Saklolo!
Siin Ka Maeupad, Pag-asa?
Saan Ka Lilipad, Pag-asa?
Manog-uling
Mang-uuling
Sa Pilapil It Tangke
Sa Pilapil ng Palaisdaan
Gold Fish
Gold Fish
Aba, Don Pepe
Aba, Don Pepe
Pamatii
Pakinggan Mo
Habatian Ko Ikaw
Napakinggan Kita
Bisan Pa
Kahit Na
Tan-awa Ro Mga Nagapangade Nga mga Alima
Pagmasdan Mo ang Mga Nagdarasal Na Mga Kamay
The Poet

MGA BAYE IT ANTIQUE
Ayaw eon’t tangis
Mga baye it Antique.
Ro inyong euha indi makapabangon
Ku natumbang tawo
Sa plasa o sa tarmak.
Indi eon magpatueo’t euha
Mga baye it Antique.
Ro natumbang baganihan
Sa plasa
Paris it eaki
Sa tarmak
Hay buko’t Kristo.
Indi eon magpatueo’t euha
Mga baye it Antique.
Bangon
Ag magmartsa
Kontra sa nagakaupos nga kahayag
Sa madueom nga gabii
Hasta sa pagbuteak
It pangtanan nga kaaganhon.
MGA
BABAE NG ANTIQUE
Huwag nang umiyak,
Mga babae ng Antique.
Ang mga luha ninyo’y
Hindi makakapagbangon
Ng ginoong bumagsak
Sa plasa o sa tarmak.
Huwag nang magpatulo ng luha,
Mga babae ng Antique.
Ang bumagsak na baganihan
Sa plasa katulad ng lalaki
Sa tarmak
Ay hindi Kristo.
Huwag nang umiyak,
Mga babae ng Antique.
Bangon at magmartsa laban
Sa nauupos na liwanag.
Magmartsa laban sa madilim na gabi
Hangga’t umabot
Ang pangkalahatang bukang-liwayway.
EMMANUEL LACABA
Gin-iras-iras mo ro kagueangan
Kon siin ro kobra ag baboy-taeunon hay abu
Agod isabwag ro kasanag nga hasuyop mo sa
Ateneo
Ag kabigon ro gangatngat nga kasubo king
isigkatawo.
Ginsikway mo ro puting telon it syudad
Ag usuyon ro mga bangin
Kon siin ro bala hay nagapataeom king
painu-uno.
Ugaling ro tyempo hay pumutoe king mga tikang
Ay basi mag-eapad ring maagtunan
Ag magtipon it abong kaibahan.
Apang ro hakilwayan ag hustisya nga ginhandum
mo
Hay ginsiri ra marka.
May pueos ring pagpanaw.
EMMANUEL LACABA
Pinagtawidtawid mo
ang kagubatan
Kung saan ang kobra
at baboy-rmo ay marami
Upang isabog ang
liwanag na naihip mo sa Ateneo
At kabigin ang
nagngangatngat na kalungkutan ng ‘yong kapwa.
Nilisan mo ang
putting-tabing ng lungsod
At hinanap ang mga
bangin
Kung saan ang bala
ay nagpapatalim ng pag-iisip mo.
Kaya lang pinutol
ng panahon ang hakbang mo
At baka lumapd ang
mapuntahan mo.
Ngunit ang kalayaan
at katarungang minimithi mo
Ay diniinan ang
marka.
May kabuluhan ang
paglisan mo.
LIMOG
IT SANGKA ONGA
Nahueog ro ap-at ko nga euha
Samtang gina-eagari ko
Ro kadena sa akong konsinsya
Dayon may kaeayo nga dumakop
Kang utok.
Makaron ro agaeon nga nagsugo
Sa tudlo nga birahon ro gatu
Hay siguradong nagahiyumhiyum eon.
Pero tulayan na
Ro kaeangitan ag impyerno.
Owa’t kaso nga magdagaya rang pagkadusmo
Basta’t rang mga igmanghod
Hay makaarado ku andang eanas
Nga owa’t nagahadlok ka andang kabuhi
Halin sa kaagahon
Hasta sa paghurma it tun-og.
TINIG NG
ISANG BATA
Pumatak ang apat kong luha
Habang linalagari ko
Ang kadena sa aking budhi
Ay agad na may dumakip na apoy
Sa utak ko.
Ngayon ang panginoong umutos
Sa daliri na kalabitin ang gatilyo
Ay siguradomng ngumingiti.
Kaya lang kailangan niyang tulayan
Ang langit at impyermo.
Hindi baling dumami ang pagkakadapa ko
Basta’t ang mga kapatid ko’y
Makakabungkal ng kanina-kanilang bukirin
Nang walang nagbabanta sa kanilang buhay
Mula madaling-araw
Hangga’t humubog ang hamog.
HIN-UNO PA?
Abi ko
makahueagok eon ako
Pagkatapos
it baha sa Edsa.
O maglinong
eon ro baybay
Pagkatapos
ni Ruping.
Nag-eaom ako
nga makaeupad-eopad
Eon ro mga
alimukon
Pagkatapos
iguo’t linti
Ro
kagueanga’t Malinao.
Gali hay
gakurog man gihapon rang atay
Maski ugsad;
Gali hay
gawaeas man gihapon do baybay
Maski ring
unod hay ginatuslok it adlaw.
Ro mga
alimukon
Hay sigi man
gihapon
Sa andang
pagkinuobkuob
Maski owa
eon it ginaeum-eoman.
Hin-uno pa
ako makahampang it tinubigan
Maski owa it
buean?
Hin-uno pa
ako makatueog it mahamuok,
Kon may
eumot eon rang tutunlan?
KAILAN PA KAYA?
Akala ko’y
makakahilik na ako
Pagkatapos
ng baha sa Edsa.
O tatahimik
na ang dalampasigan
Pagkaraan ni
Ruping.
Akala ko’y
makakalipad na rin
Ang mga
kalapating-ligaw
Pagkatapos
matamaan ng kidlat
Ang bundok
ng Malinao.
Bagkos, ang
atay ko’y nanginginig pa rin
Kahit ugsad.
Malakas pa
rin ang paghahampas ng alon sa dalampasigan
Kahit
nakakatusok ng laman ang sikat ng araw.
Ang mga
kalapating-ligaw
Ay tuloy pa
rin sa kanilang
Pagkakadapa
Kahit wala
nang itlog na linilimliman.
Kailan pa
kaya ako makapaglaro ng tinubigan\
Kahit walang
buwan?
Kailan pa
kaya ako makakahilik,
Kung may
lumot na ang aking lalamunan?
SUMUNOD
KA KAKON
Sumunod ka kakon sa Japan
O sa Brunei man.
May trabaho
Nga gahueat kimo igto.
Ano ring hueaton riya?
Lahar?
Pabay-i ro bibig
Ni Manong Ernie.
Eaway man lang
Ra mabarato kimo
Ka anang bonansya.
Ano ring hueaton riya?
Pasma?
Igto may yen o dolyar ka!
Owa ka man it oeubrahon;
Kanta-kantahan
O saut-saotan mo eang
Si Prinsipe o si Yakuza,
Tama eon.
Hay maeukat
Ano ro eabot ni Manong Ernie
Kon eunang ring ginaagyan nga karsada?
May bank to bank ka man
Nga inogpadaea
Para ring manghod hay makaeskuyla
Ag ro inyong eanas nga ginprenda
Hay maeukat it ensigida!
Iya espalto ring daean nga ginaagyan,
Pero naganipis ring dueonggan.
Imo eon lang ring Prinsipe ag Yakuza!
Iya eon lang ako magduedoe
It pighoe sa atong banwa!
Sige pa ra
tindog kang bandera!
SUMAMA
KA SA AKIN
Sumama ka sa akin sa Japan
O kaya’y sa Brunei.
May trabahong
Naghihintay sa ‘yo roon.
Ano ang hinihintay mo rito?
Lahar?
Pabayaan mo ang bibig
Ni Kuya Ernie.
Laway lang
Ang mababalato niya sa ‘yo
Ng kanyang bonansya.
Ano ang hinihintay mo rito?
Pasma?
Doon may yen o dolyar ka!
Wala ka namang gagawin
Kundi sayaw-sayawan mo lang
Si Prinsipe o si Yakusa,
Tama na.
Ano ang pakialam ni Kuya Ernie
Kung lusak ang dinadaanan mong kalsada?
May bank to bank ka namang
Ipapadala
Para ang kapatid mo’y makapag-aral
At ang nakasangla ninyong palayan
Ay agad itong matutubos!
Dito espalto nga ang dinadaanan mo
Ngunit ninipis naman ang ‘yong tainga.
Iyo na lang ang Prinsipe at Yakusa mo!
Dito na lang ako magdidikdik
Ng malamig na kanin sa ating bayan!
Tuloy pa ang
pagkakatayo ng aking dandila!
ITAY, HAM-AT
PIRME NGA MAY BAEARILAN?
Itay, ham-at
pirme nga may baearilan?
Kinahangean
gid baea
Nga
magpatayan anay ro mga tawo
Bag-o sanda
maghaeakusan?
Owa eon
baea’t ibang paagi
Agod sanda
hay maglamano?
Pag-aeom ko
hay
Diosnanon
eon ro mga tawo
Bangud maski
siing kanto
O paradahan
it mga saeakyan
Hay may
nagawali.
Maski siin
ako mag-agto
Hay may
simbahan.
Itay, ham-at
pirme nga may baearilan?
Eugene,
bangud abong gustong maghari
Iya sa
kalibutan.
ITAY, BAKIT
LAGING MAY BARILAN?
Itay, bakit
lagging may barilan?
Kailangan
bang
Magpatayan
muna ang mga tao
Bago sila
magyakapan?
Wala na bang
ibang paraan
Upang sil’y
magkamayan?
Akala ko’y
Makadios na
ang mga tao
Dahil kahit
saang kanto
O paradahan
ng mga sasakyan
Ay may
nagwawali.
Kahit saang
kanto ako pumunta,
May
simbahan.
Itay, bakit
lagging may barilan?
Eugene,
dahil maraming gustong maghari
Rito sa
mundo.
AY, SAEAMAT
Ay, saeamat
Ay may
bunyag eon man
Sa among
barangay—
Makasamit
eon man ako’t
Sutanghon ag
litson
Maski salin
eon lang.
Pirme eon
lang abi nga galunggong ag dayok
Ro suea
namon ni Nanay.
Ay, saeamat
Ay may eubong
eon man
Sa among
barangay—
Makasamit
eon man ako’t
Libreng
siopao
May Coke o
Pepsi pang pangtueak.
Pirme eon
lang abi nga linaga nga kamote
Ro
ginapamahaw namon ni Nanay
Ay ginkangay
abi si Tatay
Ni Hepe M sa
Kampo K
Ay kuno
nagpakaon si Tatay it limang katawo
Nga may
bitbit nga sako
Ag sang
dag-on eon imaw
Nga owa
kauli.
Ag hasta
makaron ra’y Tatay nga sanggutan
Hay owa pa
gid
Hibag-euti.
AY, SALAMAT
Ay, salamat
At may
binyag na naman
Sa aming
barangay—
Makakatikim
na naman uli ako
Ng sutanghon
at litson
Kahit
tira-tirahan lang.
Lagi na lang
kasing galunggong at bagoong
Ang ulam namin
ni Nanay.
Ay, salamat
At may
libing na naman
Sa aming
barangay—
Makakatikim
na naman uli ako
Ng libreng
siopao.
May Coke o
Pepsi pang pangtulak.
Lagi na lang
kasing linagang kamote
Ang
minimiryenda namin ni Nanay.
Dahil
kinumbida si Tatay
Ni Hepe M sa
Kampo K
Dahil
nagpakain daw siya ng limang taong
May bitbit
na sako
At isang
taon na siyang
Hindi pa
nakakauwi.
At hanggang
ngayon ang sanggutan ni Tatay
Ay hindi pa
Hibag-euti.
MAGDALENA
Sige,
magsugid ka kay Erap
Agud
matakpan ka eagi it dyaryo sa daean.
O mabalik ka
eon lang
Sa tinubuan
mo nga eanas?
Panumdumon
mo ro mga gasgas
Sa tuhod ag
sa ing siko
Sa
paglinatay sa mga pilapil
Nga
ginaputos it huyahuya.
Panumdumon
mo ro bakagan ag dayok
Nga pirme mo
nga ginasuea,
Bangud ring
Tatay hay ginbutang-butangan nga nagpanakaw
Ag hasta
makaron hay gaantos sa Munti.
Panumdumon
mo ro sakit sa likod
Sa
pagtinanum it paeay
Ag sa
paggiok it uhay
Sa suhoe nga
kwarinta pisos ring adlaw.
Sige, magsugis
ka kay Erap
Agud
mailisan ka eagi
It puting eambong
Ku mga eaki
nga owa mo pa gid hikita.
MAGDALENA
Sige,
magsumbong ka kay Erap
Upang
matakpan ka kaagad ng dyaryo sa daan.
O babalik ka
na lang
Sa tinubuan
mong bukirin?
Alalahanin
mo ‘yong mga gasgas
Sa tuhod at
siko mo
Sapagtatawid
ng pilapil
Na
binabalutan ng makahiya.
Alalahanin
mo ‘yong tuyo at bagoong
Na lagi mong
inuulam
Dahil ang
Tatay mo’y binintangang nagnakaw
At hanggang
ngayon’y naghihirap sa Munti.
Alalahanin
mo ‘yong sakit sa likod
Sa
pagtatanim ng palay
At sa
paglilinis ng tangkay ng palay
Sa sahod na
kwarinta pisos bawat araw.
Sige,
magsumbong ka kay Erap
Upang
mabibihisan ka kaagad
Ng putting
baro
Ng mga
lalaking hindi mo pa nakikita.
EMERGENCY
ROOM
Pag-abot ni
Rubin sa ospital
Nga may
Indian pana
Nga gaongot
Sa anang
dughan,
Maid-id imaw
nga ginpangutana
It gangueob
nga admitting clerk:
Ngaean?
Edad?
May asawa?
May obra
imaw?
May down
payment ka nga daea?
Tanan nga
pangutana
Nasabat pa
gid man ni Rubin
Owa't eabot
sa katapusan
Ay
nagapungapunga
Eon ra paginhawa
Ag
nagaeutaw-eutaw
Eon ra
kalimutaw.
Samtang ro
doktor
Sa may
pwertahan
Hay
nagahutik-hutik
Sa
nagapanghuy-ab nga nars.
EMERGENCY ROOM
Nang
dumating si Rubin sa ospital
Na may
Indian pana
Na nakatusok
Sa kanyang
dibdib
Ay maingat
siyang tinanong
Ng umaangal
na admitting clerk.
Pangalan?
Gulang?
Tirahan?
May asawa?
May trabaho
ba siya?
May down
payment ka bang dala?
Lahat na
tanong
Ay nasagot
pa rin ni Rubin
Maliban sa
huli
Dahil
humihingal na siya
At ang
balintataw niya’y
Sumisisid
na.
Samantala
ang doctor
Sa tabi ng
pinto
Ay
bumubulong
Sa humihigab
na nars.
INAY
Inay, matuod
nga may diploma eon ako,
Pero
galunggong ag dayok man pirme rang suea.
Pumanaw ako
nga owa mag-eaong
Bangod indi
ko matiis nga makita kang
Gatangis
para kakon.
Inay, kon
presidente eang ako’t bangko,
Eukaton ko
ro atong eanas,
Patindugan
kita’t bunggalo,
Bakean
kita’t kolored TV ag Hi-Fi.
Ugaling,
Inay,hasta makaron
Istambay man
ako gihapon
Ay owa kuno
ako’t
Deputadong
maninoy.
INAY
Inay, totoo
ngang may diploma na ako
Kaya lang
galunggong at bagoong ang lagi kong inuulam.
Umalis ako
ng walang paalam
Dahil hindi
ko matiis na makita kitang
Umiiyak
dahil sa akin.
Inay, kung
pangula lang sana ako ng bangko,
Tutubusin ko
ang ating palayan,
Patatayuan
kita ng bunggalo,
Bibilhan
kita ng kolored TV at Hi-Fi.
Kaya lang,
Inay,
Hanggang
ngayo’y
Istambay pa
rin ako
Dahil wala
raw akong
Deputadong
maninoy.
BASURA AG
LAPAD
Sige, dasiga
ro pagpueot
Ku mga lata,
karton ag papel
Sa
ginaeangawan nga basurahan.
Pabay-i ro
mga mata
Nga
nagamudlo sa pagtueok kimo—
May anda
mat-a ron nga
Santambak
nga basura.
Kon puno eon
ring sako
It papel,
karton ag lata,
Ibaligya mo
ron dayon
Ay ring
tatay
Sa
nagahapayhapay ninyo nga baeay
Hay
nagapang-ayat eon it inaway
Ay indi eon
imaw pagpautangon
It lapad ni
Nay Pilay.
Sangka
kilometro eon kuno
Ro inyong
utang.
BASURA AT
LAPAD
Sige,
bilisan mo ang pagdampot
Ng mga lata,
karton at papel
Sa linalangawang
basurahan.
Pabayaan mo
‘yong mga matang
Tumititig sa
‘yo—
Mayroon din
silang
Santambak na
basura.
Kung puno na
‘yong sako mo
Ng papel,
karton at lata,
Iibinta mo ’yan
kaagad
Dahil ang
tatay mo
Sa
gumigiray-giray ninyong bahay
Ay
naghahamon na ng away
Dahil ayaw
na siyang pautangin
Ng lapad ni
nay Pilay
Dahil isang
kilometro na raw
Ang inyong
utang.
AMBETH
Ambeth, siin
ka matueog?
Sa amon ron!
Siin dapit?
Sa sidewalk!
Ham-at una?
Tilikangon
eang
Ag maski ro
Bagyo Ruping gaumpok,
Buko’t paris
ku among baeay
Nga maski
agyan eang it Amihan
Dayon ra
anang paghapayhapay.
Owa pa ako
kasayod
Kon siin!
Paris king
nanay?
Ag kang
tatay!
AMBETH
Ambeth, saan
ka matutulog?
Sa amin!
Saan yon?
Sa bangketa!
Bakit doon?
Malalakad
lang
At kahit ang
Bagyo Ruping ay tumatalbog,
Hindi
katulad ng aming bahay
Na kahit
daanan lang ni Amihan
Ay agad
itong gumigiray-giray.
Hindi ko pa
alam
Kung saan!
Katulad ng
nanay mo?
At ng tatay
ko!
HAM-AT MADUEOM RO GABII, INAY?
Inay, ham-at
madueom ro gabii?
May
buean,Toto, ugaling may galipud nga gae-um.
Inay, ham-at
madueom ro gabii?
May bombilya
ro mga poste’t Akelco,
Ugaling may
brown-out.
Inay, ham-at
madueom ro gabii?
Ginsinindihan
ko ro atong kingke,
Ugaling
ginapinaeong it hangin.
Inay, ham-at
madueom ro gabii?
Toto,
matueog ka eon lang
Ay basi
hin-aga temprano pa
Magsilak ro
adlaw.
Indi, ‘Nay
ah!
Sindihan
ko’t uman ro atong kingke.
BAKIT
MADILIM ANG GABI, INAY?
Inay, bakit
madilim ang gabi?
May buwan,
Toto, kaya lang tinatakpan ng ulap.
Inay, bakit
madilim ang gabi?
May bombilya
ang mga poste ng Akelco,
Kaya lang
may brown-out.
Inay, bakit
madilim ang gabi?
Sinisindihan
ko ang atingkingke,
Kaya lang
pinapatay ng hangin.
Inay, bakit
madilim ang gabi?
Toto,
matulog ka na lang kaya,
Baka maaga
pa sisikat ang araw bukas.
Hindi, ‘Nay!
Sisindihan
ko uli ang ating kingke.
ESKWATER
Mahipos ro
palibot.
Ro mga ayam
Nga sang
dominggo
Eon ro
andang pagpinueaw
Hay
nakatueog gid man.
Owa eon man
ro mga tikang
Ku mga tawo
nga owa ko hisayri
Kon siing
impyerno gahalin.
Nga sa
kada-eak-ang nanda
Hay ginabayo
rang dughan.
Kinahangean
gid kuno
Nga maghalin
ako
Sa eugta it
gubyerno
Ay kuno ro
lugar
Nga nahamtangan
kang baeay
Hay
patindugan it restaurant
Agud ro mga
turista
Hay may
mapahuwayyuwayan.
Pero ro
eskwater
Sa pihak nga
bloke
Hay indi
matabing
Ay
ginbendisyunan
Ni
Congressman.
ESKWATER
Tahimik ang
kapaligiran.
Ang mga
asong
Isang lingo
Nang
nagpupuyat\Ay nakatulog na rin.
Wala na rin
‘yong mga yapak
Ng mga taong
hindi ko alam
Kung saang
impyerno nanggaling
Na bawat
hakbang nila’y
Dibdib ko’y
binabayo.
Kailangang-kailangan
daw
Na lisanin
ko
Ang lupa ng
pamahalaan
Dahil ang
lugar
Na
tinitirikan ng bahay ko
Ay
patatayuan ng restaurant
Para ‘yong
mga turista
Ay may
papahingahan.
Ngunit ang
eskwater
Sa kabilang
bloke
Ay hindi
maaring salangan
Dahil
nabendisyunan
Ni
Congressman.
DRAYBER
Kinahangean
Gid baea
Nga magkaeapyot
Ag
magtoeueok
Sa unahan
It imong
dyip
Ro imong mga
sumaeakay
Agud
madugangan
Ro eagting
It sensilyo
Sa buesa
Ku imong
kundoktor?
Kasayod
Ka baea
Nga ro
utbong
Ku akong
karsada
Hay una
gaangot
Sa manubela
Nga
ginabuytan mo?
Manong—para!
Manaog eon
lang ako.
DRAYER
Kailangang-kailangan
ba talaga
Na higpitan
ang paghawak
Sa gabay
At tumitig
Sa unahan
Ng iyong
dyip
Ang inyong
pasahero
Upang
madagdagan
Ang
kalansing
Ng barya
Ang bulsa
Ng kundoktor
mo?
Alam
Mo ba
Na ang dulo
Ng aking
kalsada
Ay nakatali
Sa manubela
Na
hinahawakan mo?
Mama—para!
Bababa na
lang ako.
EVA,
SI ADAN
Bangud
ginabot ka eang kuno sa gusok ni Adan
Agod
may anang hampang-hampangan,
Maistorya-istoryahan
ag mapautwas-utwasan
Sa
oras nga anang kinahangean
Hay
abu eon nga ngaean
Ro
andang ginsueat sa imong daean:
Salome,
Magdalena, Maria Clara, Bagyo Esyang.
Bangud
mahuyang kuno ring dughan,
Maski
ro bagyo nga makaeuka't butong
Ag
makapaeunod it barko
Hay
ginapapangaean man gihapon kimo.
Pero owa
madumdumi't mga eaki
Nga
maski si Mark Anthony
Hapatiyog-tiyog
ni Cleopatra
Maski
sa guwa it kama.
Owa
nanda madumdumi nga si Gabriela gali
Ro
nagpahaba't daean ni Diego Silang.
Ag sa
Edsa kon owa ring kaeambong
Maghigot
it rosas sa punta't armalite ni Freddie
Hay
basi owa si Cory makasindi't kandila
Sa
ermita't Malakanyang.
Mayad
gid sanda magpalitik kon paano
Ka
eang mapasunod-sunod sa andang ikog.
Owa
gid sanda gapalitik kon paano mor magamit
Tanan
ring utok, wawas ag hueag
Para
kita tanan makatakas sa linaw it utang.
Owa
ka gid kuno't kalibutan
Sa
pagdumaea't gobyerno o simbahan.
Mayad
ka eang kuno maghibi-hibi, magkiri-kiri
Kon
magumon ring hilo sa imong saeag-utan.
Kon
abu ring hasayran ag kon maghambae ka't
Kontra
sa sueondan nga anda man nga hinimuan,
Isaea
ka ka amasona ag dapat eang nga isilda.
O kon
bukon ngani myembro ka't grupo ni Brainda.
Eva,
tupong gid eang kamo ni Adan
Sa
tanan nga lugar, sa tanan nga butang.
Kon
ham-at imo imaw nga ginapagustuhan?
O
gusto mo gid eang nga ipadumdom
Nga
kon ham-at makapalingkod imaw it leon
Hay
ikaw ro anang kaibahan.
EVA, SI
ADAN!
Dahil hinugot ka lang daw sa tadyang ni Adan
Upang mayroon siyang paglalaruan,
Makwentu-kwentuhan at maparaus-rausan
Sa oras ng kanyang kailangan
Ay marami ng pangalan
Ang kanilang nasulat sa iyong daan:
Salome, Magdalena, Maria Clara, Bagyo Esyang.
Dahil mahina raw ang ‘yong dibdib,
Kahit
‘yong bagyong nakakabuwal ng kawayan
At makalunod ng MV Matibay
Ay pinapangalan pa rin sa ‘yo.
Pero hindi naalaala ng mga lalaki
Na kahit si Mark Anthony
Ay napaikot-ikot ni Cleopatra
Kahit sa labas ng kama.
Hindi nila naalaala na si Gabriela pala
Ang nagpahaba ng daan ni Diego Silang.
At sa Edsa kung hindi ang kabaro mo
Nagtali ng rosas sa dulo ng Armalite ni
Ferdie
Ay baka hindi si Cory nakasindi ng kandila
Sa ermita ng Malakanyang.
Mahusay sila magpalamat ng ulo kung papaano
Ka nila mapapasunod sa kanilang buntot.
Hindi sila nag-iisip kung papaano mo
magagamit
Ang lahat ng utak, katawan at galaw mo
Upang tayong lahat ay makakatakas sa lawa ng
utang.
Wala ka raw talagang alam
Sa pamamahala ng pamahalaan o simbahan.
Mahusay ka lang daw umiyak-iyak, kumirikiri
Kung magbuhol-buhol ang sinulid sa ‘yong
habilan.
Kung marami ang nalalaman mo at kung
magsalita ka
aban sa alituntunang sila rin ang may gawa,
Isa kang amasona at dapat lang isilda.
At kung hindi’y miyembro ka ng grupo ni
Brainda.
Eva, talagang pantay kayo ni Adan
Sa lahat na lugar, sa lahat na bagay,
Kung bakit mo siya pinagustuhan?
O gusto mo lang talagang pinapaala-ala
Na kung bakit napaupo niya ang leon
Ay ikaw ang kanyang kasama.
RO TATAY NI JUAN
Samtang
Nagabuga
Ro bulkan Pinatubo
It nagabukae nga lava
Ag nagakaeubog
Ro andang kaigbataan
Ag andang baeay
Sa nagahagunos nga lahar,
Ro Tatay ni Juan
Hay nagapanamgo
Nga nagahampang imaw it majong
Sa ibabaw it baeangaw
Sa duyan
Nga nakahigot
Sa nadagasan
Nga daywang punong mangga.
ANG TATAY NI JUAN
Habang
Bumubuga
Ang Bulkan
Pinatubo
Ng bumubukal
na lava
At nalulubog
Ang kanyang
mga kamag-anak
At ang
kanilang bahay
Sa
bumubugsong lahar,
Ang Tatay ni
Juan
Ay nanaginip
Na naglalaro
siya ng majong
Sa ibabaw ng
bahaghari
Sa duyan
Na nakatali
Sa
nalagasang
Dalawang
punong mangga.
NAGHIYUM-HIYUM
KA
Naghiyum-hiyum
ka
Samtang ring
manghod
Hay gatangis
sa madueom nga silda
Bangud
nasintinsiyahang
Nagkasaea
Sa krimin
Nga owa nana
hisayri.
Pagpanaw
nana sa kahayag,
Tinakpan mo
ra mata
It itum nga
seda.
Ag ginturo
mo
Ro tagasaw
Pagka
Sandad na,
Pagkatumba
sa tuod
Nga ikaw man
ro nagpaepae.
Makahiyum-hiyum
Ka man baea
Kon mahueog
ka
Sa buho’t
karsada
Nga obra
maestra
It Meralco
ag it NAWASA?
NGUMITI KA
Ngumiti ka
Habang ang
kapatid mo’y
Umiiyak sa
madilim na silda
Dahil
napatunayang
Nagkasala
Sa kriming
Hindi niya alam.
Nang lumakad siya sa liwanag,
Tinakpan mo ang kanyang mata
Ng itim na seda.
At itinuro mo
Ang pulang langgam
Nang siya’y
Natisud,
Natumba sa tuod
Na ikaw rin ang naglagay.
Ngingiti
Ka rin kaya
Kapag nahulog ka
Sa butas ng kalsada
Na obra maestra
Ng Meralco at ng NAWASA?
RELIP
Pagbaha sa Ormoc
Ag pag-eupok
It Bukid Pinatubo
Dumagsa ro mga eambong, haboe, sardinas ag
bugas
Nga halin sa ibang nasyon.
Ugaling ro mga biktima
Hay nabusog sa sugid
Bangud
Ro mga relip
Hay lumihis sa bodega
It may tag-ana
It Super Market.
Ag makaron hay ginabaligya
Eon it mga bolantero
Sa mga tindahan.
RELIP
Nang bumaha sa Ormoc
At nang pumutok
Ang Mt. Pinatubo,
Bumaha rin ang mga abuloy na baro, kumot,
sardinas at bigas
Mula sa iba’t-ibang bansa.
Ngunit ang mga tunay na biktima’y
Nabusog lang sa balita
Dahil
Ang mga abuloy
Ay lumihis sa bodega
Ng may-ari
Ng Super Market.
At ngayon ay tinitinda na
Ng mga bolantero
Sa mga palengke.
ANGEL
Nalingling mo gid man ro eangit
Kaibahan ku traysikul drayber
Nga nag-eugos kimo.
Pero owa pa galinong
Ro mga dughan
Ku mga unga nga paris kimo
Ag ro mga Loretta sa sueod sa guwa
It Marikina.
Ham-at nagmakara ro atong banwa?
Maski sa atong baeay
Hay nagasueod ro kapre.
Kon ano ro rason
Owa kita’t kalibutan.
Ham-an, owa eon baea’t pagmahae
Nga habilin sa atong karsada?
Kon hin-uno pa naggaya ro mga simbahan
Imaw man ro pag-abu it pagpaeatyan.
ANGEL
Sa wakas nasilip mo rin ang langit
Kasama ng traysikol drayber
Na humalay sa ‘yo.
Ngunit hindi pa tumatahimik
Ang mga damdamin
Ng mga batang katulad mo.
At ng mga Loretta sa loob at labas
Ng Marikina.
Bakit nagkakaganito ang ating bayan?
Kahit sa sarili nating bahay
Ay may pumapasok na higante.
Kung ano ang dahilan,
Hindi natin alam.
Bakit, wala na bang pag-ibig
Na natira sa ating lansangan?
Kung kailan pa dumami ang ating simbahan,
Saka naman dumami ang patayan.
LOLA ROSA, SANGKA COMFORT WOMAN
Paano ka mabatina, Lola Rosa
It mga bonsai ag panda
Samtang mga dagsa sanda?
Habayran ka eon man kuno nanda
Sa tanan nga kalipayan nga gindueot mo
Sa andang mga sueok nga suldado.
Ano pa gid kuno ro kueang?
Public apology?
Maghakiri eon lang sanda!
Ro andang hasayran
Hay kon paano nanda
Maplastar sa atong karsada
Ro andang right hand drive car, Lanser ag
Pajero.
Ag ro atong gobyerno man
Hay mabulig man kuno kimo.
Kon paano ag kon hin-uno,
Basi kon sa pagtaliwan mo!
Lola Rosa,
Ano baea kon himuon man naton
Nga comfort women
Riya sa sueod it Muntinglupa
Ro mga daeaga nanda?
LOLA ROSA, ISANG COMFORT WOMAN
Papaano ka mapapakinggan, Lola Rosa
Ng mga bonsai at panda
Gayong mga yagit sila?
Binayaran ka na raw nila
Sa lahat na ligaya na dinulot ninyo sa
kanilang
Mga hayok na sundalo.
Ano pa raw ba ang kulang?
Public apology?
Magharakiri na lang sila!
Ang tanging alam nila’y
Kung papaano nila mapapatakbo rito
Ang kanilang right-hand track, Lanser at
Pajero.
At ang ating gobyerno,
Tutulungan ka naman daw nila.
Kung kailan, kung papaano,
Baka kung wala ka na!
Lola Rosa,
Ano kaya kung gagawing
Comfort women din
Dito sa loob ng Muntinglupa
Ang mga dalaginding nila?
No comments:
Post a Comment